Singapore Foods

Friday, October 28, 2011

Warning lang sa kapwa Pinoy dito sa Singapore

Sa mga mg-attempt na pumunta dito sa Singapore eto lang maiishare ko.

Sa place , ok dito. Malinis, organized at maganda.

Pero mag-ingat pa din kayo kasi baka matsambahan kayo ng mga manloloko.
Katulad ng ngyare saken.

4 years na akong PR dito. Sa 4 years na 'yan may pinakamatinding experience ako na di ko ma-take at kelangan ko na talaga i blog para mawarningan kayo.

Last year, nag-attempt akong pumasok sa Property industry dito as agent. Nag crash course ako at ng request na mag partime muna sa current job ko.
Mabait naman ang boss ko at pumayag.

Kaya ayun ako, for few months of my life as an agent super excited ako. Ok naman so far ang mga tenants ko. Malaysian, Indians at di ako nagkakaproblema. Satisfied sila sa service ko. Kaya happy din ako.

Pero eto na, may tenant ako na Pinoy. Sabe ko ok 'to kasi para mapagserbisyuhan ko naman mga kababayan ko.

Pamilya sila. Ang wife yung main contact ko. Sa una, mukhang ok naman kausap ang wife. Mabaet at very professional. (Pero I tell you, first impression doesn't last).
Nung ngkita kita na kaming lahat owner ng place/tenants/agents para signing of contract, kulang pala ang pangdown nila ng $750.
Sabe nung wife, kung pwede ba daw abonohan ko muna babayaran daw nila after 2 days. So ako naman si tanga at mabaet kahit wala na ring pera gumawa ng paraan at dahil pinoy na rin, ngtiwala naman ako at nanghiram sa housemate ko.

I fast-forward ko na. Aftr 2 days, di nila ako nabayaran kesyo di pa daw nasosoli ng landlord nila ang deposit nila. Madami alibis. Di nauubusan! Hanggang sa madaming struggles at stress sa singilan, eto pa napala ko sa pagiging "matulungin"..kung anu-anu na pinagtitext ko sa kanila. Sabe pa ng mga friends ko "Ang Kukupal nila! " pero deadma na lang ako. Ngyare na. Pero umaasa akong di magkakagulo o mgkakasiraan ng relationship kahit anu pang mangyare. Pero....ang kupal talaga eh!!

So umabot ng 2 weeks, 7 months hangang ngayon..Grabe ang singilan blues dito. PAHIRAPAN!!! At super daming alibis! Madami daw silang problema talaga. Dahil na rin sa awa kasi nga daw madami silang problema like ngkasakit yung father in law nya tapos after a month namatay ang kung brother ba nung husband o kung anu-ano pa, binigyan ko sila ng chance. Nag-agree kami na hulugan na lang nila ang pagbayad.

So after 1 yr nabayaran naman nila yung utang nila saken. Pahirapan nga lang ang pagsingil.

Next na singilan ung comision ko, sympre may comision ako. Pinaghirapan ko yun eh. Di ba?

Ang tanong...

Babayaran ba nila ako o hindi?
Lately, di na siya sumasagot sa calls ko at ngrereply sa text.
Sabe nya nghulog daw sya ng $300 pero nagkamali daw sya ng account number kaya dun na napunta sa friend nya. Hinihintay daw nya ibalik yung money sa kanya pra mabigay saken. Pero pak sya! Hanggang ngayon mg November na wala pa din!

Kung babayaran nila ako o hindi...abangan. Siguro di na to about sa money. Gusto ko iprove sa kanila na kung anu mang kalokohan ginagawa nila, ay pwede ma expose anytime , anywhere! Malay nyo, di lang pala ako ang ginaganito nila at madami pa. So be warned!

I reveal ko ang real name nila sa next blog ko..

Jut wait and see!


(to be continued..)







- Posted using BlogPress from my iPhone