Eto po ang pinaka means of transportation dito sa Singapore.
Train. (at mayron ding buses)

Sa Singapore may 2 ng-ooperate ng train. SMRT at SBS. Ako mas gusto ko ang trains ng SBS kasi malilinis at mukhang na-me-maintain naman ng company. Ang SMRT medyo mga luma na ang trains at sirain ang aircons, lagi ngbibreakdown at delayed. At super bagal pa!!
Lolx!
North South (red line) at East West Line (green line) ang biyahe nito dito sa Singapore.
Anyways, may ishare lang akong konting MRT tips and etiquette para di kayo mahirapan mgtravel dito sa Singapore.
Are you ready?
Pag sasakay kayo ng MrT dito sa Singapore, wag na wag kayo umupo sa pinaka-sides nito. Kasi nakareserve na to sa mga matatanda, bata , buntis o disabled people. Pag dun ka umupo. Obligado kang ibigay to sa kanila kasi kung hindi, iba na tingin sayo ng mga pasahero haha! O pagminalas baka ma STOMP ka pa. (i will explain later kung anu yung STOMP or try nyo na lang igoogle: STOMP Singapore)
So ayan po. Para smooth ang ride nyo dito sa Singapore, just follow my advise. Kung gusto nyong umupo ng maayos at walang istorbo at guilt kang nararamdaman , sa bandang gitna na kayo pumuwesto. Ok?

Sana nakakatulong ang post na 'to pag andito na kayo sa Singapore.
Nga pala kelan mo balak pumunta dito pala?
Sa uulitin po!
- Posted using BlogPress from my iPhone
Location:Bishan Pl,,Singapore