Singapore Foods

Thursday, July 10, 2014

Batam Indonesia Getaway : Harmoni One Hotel



Kapag medyo matagal-tagal ka na nagwowork dito sa Singapore, isa sa 
magiging hobby o lifestyle mo ay ang
pagtatravel. 

Ang Batam Indonesia ang pinakamalapit na pwedeng puntahan dito. Ferry lang sya for an hour. 

Pwede ka mag-overnight or balik din the same day para lang magpamasahe o mag relax. 

Gala-gala ng konti. 

Nga pala, nadiskubre ko lang recently, tumatanggap na din pala sila ng Singapore dollar dun kaso nga lang medyo malaki na ang gagastusin mo kesa magbayad ka ng Rupia dahil sa exchange rate. 

Ngayon, pakita ko lang kung anu ang itsura nga Harmoni One Hotel para may idea kayo. 

Para saken, ok sya. May FREE WIFI kahit san. Ako kasi kahit san, basta may free wifi ok na. Hahah!
Parang Romania ang theme nya. 
Ok din ang pool side. Kaso that time, kulang na kami sa oras so di na kami nakapag-swim. Sayang nga eh!

Pero plan namin babalik dito soon!


'Yung breakfast nila, ok lang din. Mix ng indonesian-asian-american buffet sya. 


Later po, i-upload ko dito 'yung ibang photos and videos sa gopro at cam ko. 

So, till next time.. Don't forget to Subscribe kung gusto nyo po ma-update ko kayo sa buhay dito sa Singapore. 


Wednesday, July 9, 2014

What To Eat In Singapore

Pag nandito po kayo sa Singapore,

itry nyo 'tong local dish nila na Bak Kut Teh. Parang nilagang pork na buto-buto lang 'to saten. Kaso 'yung sa kanila may halong herbs.

Masarap din naman po. Pwede na sa panglasang pinoy. :)

Ang one of the best Bak Kuh Teh na natikman ko ay sa Clarke Quay banda. 



Ang Song Fa Bak Kuh Teh sa tapat lang ng Clarke Quay MRT. From Dhoby Gaut, transfer lang kayo sa purple line / North-west pa Harbourfront at baba ka sa Clarke Quay, Exit E. 

Kapag mag bus ka naman. 
Eto pwede mong sakyan

Nearest Bus Stop
-
Bus 2, 12, 33, 54, 147 and 190
  Walking 0 mins from   bus stop B04239


Tuesday, July 8, 2014

Singapore Must-Have Iphone Apps: SgNext Bus

Kapag nandito po kayo sa Singapore,

install nyo 'tong isa sa pinaka-paboritong kong iphone app "SGnextbus".

Sobrang tulong 'to sa pagtatravel o sa pagcommute mo dito kasi sasabihin nya ang tamang oras ng pagdating ng bus mo. 
Press mo lang 'yung blank black square at mag-popout na 'yung time. 

Make sure naka enable 'yung location services ng phone mo ah. 

Ok po. Sa susunod na singapore tips ulit. 

Don't forget to subscribe para kitakits ulit!

:)