Kung mahilig ka mag-explore ng mga bagong supermarket sa Singapore, dapat mong puntahan ang Scarlett Supermarket sa Paya Lebar Square. Dito, punong-puno ng murang Chinese snacks, fresh seafood, frozen dumplings, at pantry staples na hindi bubutas ng bulsa mo.
📍 Address: 60 Paya Lebar Road, #B1-01-05, Paya Lebar Square, Singapore 409051
Pagkapasok pa lang namin, sabi ng boss ko— “Parang nasa China tayo ah.” 😂 At totoo nga! Mula sa mga packaging hanggang sa music na tumutugtog sa background, parang instant trip to China, pero nasa Singapore ka lang.
💰 Presyo sa Scarlett Supermarket:
-
Snacks: Mula $1.50
-
Drinks: Mula $1.20
-
Instant Noodles: Mula $0.80
-
Fresh & Frozen Items: Mula $3+
-
Specialty Sauces & Condiments: Mula $2.50
🛒 Bakit Worth It Puntahan ang Scarlett Supermarket Paya Lebar?
-
Madaming Variety – Mula classic Chinese biscuits hanggang trending snacks sa Douyin.
-
Budget-Friendly – Mas mura compared sa ibang supermarket sa Singapore.
-
Unique Finds – May mga produkto na di mo basta makikita sa typical grocery.
-
Fresh Options – Seafood, frozen dumplings, at ready-to-cook items.
Kung gusto mong mag-stock ng pantry, mag-try ng bagong snacks, o maglibang lang, Scarlett Supermarket sa Paya Lebar ay sulit puntahan. Isa ito sa best spots sa Singapore para sa murang Chinese groceries at isang shopping experience na parang nasa China ka talaga.
💡 Tip: Pumunta sa non-peak hours para mas relaxed mag-shopping — at magdala ng malaking tote bag kasi baka mapadami ang bili mo!